Siargao Property Owners or Sellers

 

ABOUT GIBO TEODORO.
Sinulat ni Ginang Ma. Cristina Roco Corona
*******
Matagal ko nang kakilala si Gibo Teodoro. Ako ang tagapayo ng kanyang klase nung siya’y Grade 4 sa Xavier School sa taong 1974-1975. Ako ang guro niya sa C.L.E. (Christian Life Education).
Agad kong nakita ang kanyang galing,katapatan at pagiging lider.
Si Gibo ay mahusay na estudyante. Ang kanyang mga notebook ay malinis at organisado. Ang kanyang mga kuro-kuro sa recitation ay naisasagot sa paraan na naiintindihan ng mga kaklase niya, senyales ng isang magaling mag-isip.
Sa nakita ko sa kanya habang siya ay tinuturuan ko, masasabi ko na siya ay pinalaki ng maayos ng kanyang mga magulang.
Siya ay hindi mapagpanggap, maayos ang ugali at magalang sa kanyang mga guro at kaklase. Hindi niya binigyan ng problema ang mga guro at ang mga nakatatanda sa kanya.
Isa siyang estudyante na maipagmamalaki ng sinumang guro.
Naniniwala ako na may sapat na kakayahan si Gibo na paunlarin ang ating bansa. Siya ay hindi natitinag, matatag ang pundasyon at may mga "values" para maging modelo para sa mga naglilingkod sa bayan.
Administrator ng SSS (Social Security System) ang ama ni Gibo, si Ginoong Gilberto Teodoro, sa loob ng dalawampung taon (1966-1986). Ang ahensyang ito ay mayaman sa pera ngunit WALANG katiwalian ang naganap sa ilalim ng kanyang pamamahala. Si Gibo ay nasa parehong hulma ng kanyang ama.
Nakilala ko ang kanyang ina sa mga kumperensya ng magulang at guro. Palagi siyang magalang sa aming mga guro. Siya ay laging nag-aalala sa mga pag-aaral at pag-uugali ni Gibo sa loob ng eskwelahan.
Ang ina ni Gibo, si Ginang Mercedes Cojuangco Teodoro, ay isang abogado na mayroon ding mga kahanga-hangang katangian. Valedictorian (magna cum laude) ang ina ni Gibo sa kanyang undergraduate at law school classes. Siya rin ay naging isang Delegado sa 1971 Constitutional Convention. Siya rin ay naging isang Mambabatas sa Interim at Regular Batasang Pambansa, at Deputy Minister of the Budget.
Sa ganitong alaga ng kanyang magulang at sariling talino’t sipag, si Gibo ay tumanggap ng pinakamataas na karangalan sa kanyang klase sa University of the Philippines College of Law at nanguna sa bar exams. Pagkatapos ay nakakuha siya ng Master of Laws degree mula sa Harvard Law School. Siya ay isang dating Secretary of National Defense. Tatlong beses siyang naihalal na kongresista, kasama ng maraming iba pang mga pambihirang tagumpay.
Nung nasa pribadong sektor si Gibo, hinasa niya ang sarili niya sa mga kasanayan (skills) ng pagpapaunlad ng mga organisasyon at pagsunod sa mga hierarchy of values ng mga negosyo dito sa ating bansa. Siguradong taglay ni Gibo ang maayos na pag-iisip, at siya'y may maraming karanasan at higit sa lahat, ang malakas na moral compass, para maging bahagi ng ating bansa bilang Senador.
Mag-fast forward tayo sa halalan ngayon May 2022.
Habang nakikinig ako sa mga interview at talumpati niya, nauunawaan, nadarama at napahahalagahan ko ang kanyang puso at kagustuhan na maglingkod sa mga mamamayang Pilipino at sa ating mahal na bansa.
Ang kanyang pitong haliging plataporma (7 Pillar Platform) ay nagpapakita ng isang multi-faceted na diskarte sa pagbibigay kapangyarihan sa mamamayang Pilipino.
Una, ang kanyang pangako sa paggarantiya ng sapat na pagkain sa bawat Pilipino ay mahalaga.
Pangalawa, gusto ni Gibo na ang lahat ng Pilipino ay maging konektado sa isa't isa , hindi lamang sa pamamagitan ng kalsada at tulay, kundi sa teknolohikal na pamamaraan.
Pangatlo, ay ang pagtiyak ni Gibó ng madaling makamit ang kalidad na edukasyon para sa lahat ng Pilipino. Mahalaga para kay Gibo na ang ating bansa na may maraming isla ay magka-isa.
Pang-apat at panglima, gustong palakasin at patibayin ni Gibo ang puwersa ng militar at pulisya para sa pinabuting pambansang depensa at seguridad, gayundin sa pinalakas na kapayapaan at kaayusan sa Philippine Archipelago.
Ikaanim at ikapito, ay ang mabilis na pagresponde sa mga problema ng kalusugan. Gayundin, ang pribado at ang pampublikong sector ay makikipagugnayan sa isa't-isa.
Lahat ng pitong haligi ng plataporma ni Gibo ay mahalaga upang ang bawat Pilipino ay makakatayo at papalakasin ang ating kalayaan at kakayahan nang tumayo sa ating sarili na may awtonomiya ang mga Pilipino.
Ang pagpansin ni Gibo sa mga mahahalagang aspeto sa mga nangyayari sa bansa ay hindi lamang nagpapahiwatig ng pagkakaunawa sa mga suliranin ng Pilipinas, kundi ang kagustuhan niyang maiahon ang buhay ng bawat Pilipino.
Walang kaduda-duda sa isip ko na si Gibo ang karapat-rapat sa ating mga boto para sa Senado.
Ihalal si Gibo Teodoro, #57, sa Senado!

LATEST BUY & SELL

COMING TO SIARGAO

 siargao island tours and properties for sale
Updated TRAVEL REQUIREMENTS in the Province of Surigao del norte  / Siargao Island
NO S-PASS NEEDED
Just present any of the Following
- Vaccination Card
- Negative RT-PCR  Test Result
- Negative ANTIGEN Test Result

FACEBOOK